Mga Magsasaka, Muling Hinasa sa Paglikha ng Novelty Items Gamit ang Corn Husk

Isang enhancement training sa paggamit ng corn husk, isang by-product ng corn farming, upang lumikha ng iba’t ibang novelty items ang  isinagawa ng Municipal Agriculture Office sa Ligue Barangay Hall sa pakikipag-ugnayan sa Heart and Soil Farm School Inc.

Mula Mayo 20 hanggang 22, 2025, nag-ensayo ang mga magsasaka sa paglikha ng mga novelty items gaya ng mga bag, vase, at bulaklak gamit ang corn husk, sa pamamagitan ng mga natutunang mga teknikal na pamamaraan at disenyo.

Sa training na ito, naisulong ang prinsipyo ng sustainability at alternative livelihood bilang paraan sa paglaban sa kahirapan, sa pamamagitan ng  pag-recycle ng mga materyales na dati nang itinuturing na basura matapos ang pagsasaka. (RCT/MAO/RSO; MAO)