Mga Mag-aaral ng AP Guevarra I.S., Nagsimula sa Kanilang Work Immersion 

Ang mga mag-aaral mula sa A.P. Guevarra Integrated School sa Brgy. Manambong Norte ay nagsimula na sa kanilang work immersion ngayong araw, Setyembre 15, 2025.

Sila ay mainit na sinalubong ni Municipal Administrator, Atty. Rodelynn Rajini S. Vidad, na nagbahagi ng mga mahahalagang paalala.

Kasama rin sa pagtanggap si Supervising Labor and Employment Officer Gernalyn J. Santos, na nagbigay din ng maikling mensahe para sa mga estudyante.

Bago naitalaga sa iba’t ibang opisina, ang mga mag-aaral ay dumaan muna sa isang orientation activity na pinangunahan ng PESO staff na si Jeffrey S. Ferrer. (PESO/RSO; PESO)