Bilang parte ng pagdiriwang ng Women’s Month, ang iba’t ibang tanggapan ng LGU ay nagtagisan sa “Sulong Gulong” Eco-Furniture Challenge noong March 5, kung saan ginawang mesa at silya ang mga ibinasurang rubber tires o gulong ng sasakyan sa Materials Recovery Facility para gamitin sa itatayong mga bagong stall sa Bayambang Central School at gagawing cafe sa Municipal Plaza.
Gamit ang kanilang imahinasyon, madiskarteng na-transform ng mga kalahok ang mga lumang gulong bilang mga malikhaing lamesa at silya.
Nagsilbing hurado sa kumpetisyon sina retired teacher at batikang pintor na si G. Peregrino Larang at isang multi-awarded visual artist na si Joseph Gumangan.
Ang kumpetisyon ay inorganisa ng LYDO base sa ideya ni Municipal Administrator, Atty. Rodelynn Rajini Sagarino-Vidad.
Ang mga rubber tire tables at chairs ay gagamitin para sa nakatakdang glow-up ng public plaza at lumang campus ng Bayambang Central School.
Ang mga nagwagi ay iaanunsyo sa Lunes. (RSO; AG)









