Isinagawa noong Hunyo 20, 2025 ang isang business forum upang pagtibayin ang ugnayan ng LGU at mga negosyante at bigyang-linaw ang proseso ng pagkuha ng business permits at iba pang kinakailangang dokumento.
Ang forum ay may temang “Nagkakaisang Mamamayan Tungo sa Progresibong Bayan.”
Binuksan ang aktibidad sa isang dayalogo sa pagitan ng LGU at mga business owner, kung saan tinalakay ang mga pangunahing requirements sa pagkuha ng business permit at lisensya. Binigyang pagkakataon din ang mga negosyante na ilahad ang kanilang mga saloobin, problema, at mungkahi upang mas mapahusay ang sistema ng serbisyo publiko para sa sektor ng pagnenegosyo.
Sa pamamagitan ni Bayambang Polytechnic College Pesident, Dr. Rafael L. Saygo, binigyang-diin ni Municipal Administrator, Atty. Rodelynn Rajini Sagarino-Vidad, ang kagustuhan ng LGU na gawing mas mabilis, malinaw, at abot-kaya ang proseso ng pagpaparehistro ng negosyo sa Bayambang.
Hinikayat naman nina Mayor Niña Jose-Quiambao at Dr. Cezar T. Quiambao ang mga dumalo na makipagtulungan sa LGU para sa patuloy na pag-unlad ng lokal na negosyo.
Inilatag din ng mga kinauukulang departament at unit head ang detalyadong diskusyon hinggil sa mga requirement para sa pagkuha ng business permit:
– Department of Trade and Industry (DTI) Certificate
– Barangay Business Clearance
– Sworn Declaration of Capitalization
– Occupancy Permit mula sa Municipal Engineering Office
– Sanitary Permit mula sa Rural Health Unit
– Fire Safety Inspection Certificate mula sa Bureau of Fire Protection
– BIR Certificate of Registration
– Annual Income Tax Return mula sa Bureau of Internal Revenue
Kasunod nito, nagbigay naman ang Bankers Institute of the Philippines (BAIPHIL) Financial Education Program ng isang seminar, kung saan tinalakay ni Ms. Criselda Santillan ang “Financial Wellness at Personal Success,” ang kahalagahan ng tamang kaalaman sa pananalapi bilang pundasyon ng matagumpay na negosyo at personal na kaunlaran.
Naroon upang sumagot sa mga katanungan sina Business Process Licensing Officer-Designate Mary Grace Agas, OIC-MPDC Ma-lene Torio, BFP-Bayambang Chief Michael Samera, ang representante ng BIR, DTI-Bayambang Business Counselor Kimberly Martinez, RHU I Sanitary Inspector Nerisa Zafra, Municipal Health Officer, Dr. Paz Vallo, Internal Audit Service Officer Charmaine Bulalakaw, Engr. Jojo Malicdem ng Engineering Office, at Liga ng mga Barangay President Rodelito Bautista.
Sa pagtatapos, tiniyak nina Municipal Treasurer Luisita Danan at BPLO na ang pamahalaang lokal ay masigasig na maghahatid ng total quality service sa mga mamamayan sa pamamagitan ng pinaigting na transparency at efficiency sa proseso ng pagbibigay serbisyo sa mga negosyante—dahil sa Bayambang, negosyo mo aasenso! (KB/RSO; AG)
#TotalQualityService
#NiñaAroTaka