Ang mga lokal na kooperatiba, sa gabay ng Municipal Cooperative Development Office ay naglakbay-aral noong Biyernes, June 27, 2025, as Agoo, La Union at Tubao, Benguet upang matuto ng best practices sa paghawak at pangangasiwa ng isang kooperatiba.
Dalawang kooperatiba ang kanilang pinuntahan, ang Anduyan Multi-purpose Cooperative na may P25-million assets at ang La Union Multi-purpose Cooperative na may P1.2-billion assets.
Kabilang sa maraming mahahalagang aral ang natutunan ng mga kalahok ang pagpapalakas ng pamamahala ng kooperatiba sa pamamagitan ng malinaw na tungkulin ng mga opisyal, pagiging tapat at bukas sa desisyon, at regular na pagpupulong; ang kahalagahan ng maayos na financial management tulad ng simpleng bookkeeping, tamang pag-uulat, at internal audit; at ang aktibong partisipasyon ng mga miyembro sa pamamagitan ng edukasyon, insentibo, at pagpapalalim ng malasakit.
Natutunan din ang pagpapaunlad ng mga proyektong pangkabuhayan na angkop sa pangangailangan ng komunidad, pagtalima sa mga rekisito ng CDA, at pagbuo ng ugnayan sa mga ahensya ng gobyerno tulad ng CDA, DTI, at DA para sa tulong-pinansyal at teknikal.
Bukod pa rito, nakita rin ang kahalagahan ng paggamit ng teknolohiya para sa operasyon at promosyon, pati na rin ang pagpapatibay ng mga prinsipyong kooperatiba bilang gabay sa matatag at responsableng pamumuno.
Ang mga kooperatibang binisita ay ang Anduyan Multipurpose Cooperative, na may mga negosyo sa savings deposit, lending, palay trading, farm machinery services, mutual assistance, consumer store (school supplies, fertilizers, pesticides), LPG retailing (Gasul), encoding at printing services; at ang La Union Multipurpose Cooperative, na may negosyong savings and lending, mutual aid, restaurant, hospital services, water refilling station, event place rental, at resort operation.
Bukod pa rito, ang La Union MPC ay may apat na satellite offices at walong branches na sumasalamin sa kanilang pinalawak na operasyon at matagumpay na pamamalakad. (Albert Lapurga/RSO; MCDO)







