Mga Lingkod-Bayan, Nagrelax sa Pampering Day na Handog ng LGU

Upang alagaan at pasalamatan ang mga kawani ng pamahalaang lokal, nag-alay ang Human Resource Management Office (HRMO) ng pampering services ngayong Setyembre 18 sa Balon Bayambang Events Center.

Layunin ng aktibidad na bigyang-ginhawa at alagaan ang mga kawani ng pamahalaan sa pamamagitan ng libreng manicure, pedicure, haircut, at back massage.

Ayon sa HRMO, ang pangangalaga sa sariling kalusugan ay susi upang manatiling masigla at epektibo sa paglilingkod sa publiko.

Ang nasabing aktibidad ay bahagi pa rin ng pagdiriwang ng ika-125 na anibersaryo ng Civil Service Commission. (Charlaine T. Melendez/WMC; AG)