Mga Lider na Kabataan, Nagdiwang sa SK Night 2024

Ang Sangguniang Kabataan (SK) ng Bayambang ay nagdaos ng isang SK Night bilang kick-off event para sa pagdiriwang Linggo ng Kabataan (LNK) at International Youth Day 2024 na naglalayong ipagdiwang at itampok ang potensyal, talento, at kontribusyon ng mga kabataan sa pagbuo ng isang bansa.

Ang kick-off ceremony ay idinaos noong August 16, 2024 sa Balon Bayambang Events Center, sa temang “SK Revolution 2024,” sa pangunguna ni SK Federation President Marianne Cheska Dulay sa tulong ni Local Youth Development Officer Johnson R. Abalos.

Naging highlight ng event ang Mr. and Ms. LNK 2024, SK Gawad Parangal, at pa-raffle ni Mayor Niña Jose-Quiambao, pati na ang handog na live concert ng bandang Avant Music kasama ang party DJ na si DJ Billy. (LYDO/RSO; LYDO/SK)