Sa kabila ng makulimlim na kalangitan at malakas na pagbuhos ng ulan dala ng bagyong ‘Egay’ noong July 28, hindi nagpatinag ang buong puwersa ng Komprehensibong Serbisyo sa Bayan Year 6 (KSB Year 6) upang ibigay sa mga residente ang mga libreng serbisyo mula sa Municipio. Ito ay patunay na ang mga proyekto at programa na may tatak Total Quality Service ay hindi tumitigil upang makamit ang minimithing pag-ahon ng buhay ng bawat isa.
Kaya naman ang edisyong ito ng KSB Year 6, na ginanap sa Bani Elementary School, ay sinalubong ng mga nagliwanag na mukha at ngiti sa labi.
Naroon sina ABC President at Brgy. Bani Punong Barangay (PB) Rodelito Bautista, Ligue PB Luis Castro, at Bani Elementary School Principal Lamberto de Vera kasama ang mga BHWs, CVOs, Bani ES teachers, at mga residente mula sa Brgy. Asin, Bani, at Ligue.
Ang event na ito ay dinaluhan nina Vice-Mayor IC Sabangan at Coun. Martin Terrado II upang personal nilang kamustahin ang kasalukuyang kalagayan ng ating mga kababayan matapos rumagasa ang bagyong ‘Egay.’ Pinaalalahanan nila ang lahat na laging lumapit sa Diyos kahit anumang unos ang dumating sa ating bayan at kanilang buhay.
Naging matagumpay at matiwasay ang KSB Year 6 dahil sa pakikipagtulungan sa LGU ng PNP at BFP.
Details of Services Rendered:
Clients at venue (care of HRMO & Engineering): 157
Clients in field services: 193
Total registered clients: 350
———-
Breakdown of Field Services:
MNAO services (house-to-house delivery of food packs for undernourshed children): 42 children beneficiaries; amount saved by client: P7,560
– Asin: 3
– Bani: 20
– Ligue: 19
MAO services:
– Seedling distribution: 30 packs assorted vegetable seeds; 30
– Antirabies vaccination: 0
Assessor: 4
Treasury: 36
Dental services: 52 (P8,550)
– Tooth extraction: 6; 10 teeth (P1,500)
– Oral prophylaxis: 9 (P2,250)
– Tooth restoration: 4; 6 tooth surfaces (P1,500)
– Oral health IEC & fluoride application: 33 (P3,300)
Circumcision: 29 (P14,500)
————–
Breakdown of Services at Venue
MSWDO: 0
LCR: 14
MPDC: 0
MAC: 0
MESO: 0
BFP: 0
PNP: 0
MDRRMO: 0
KKSBFI haircut: 101; 10 haircutters (P7,000)
Medical consultation: 75
– Pedia: 11 (M-5; F-6)
– Adult: 64 (M-25; F-39)
– Prenatal: 19
Blood chem/serology/CBC/UA/Hgb,Hct: 32 (P20,030)
Medicines and vitamins: (P62,519)
Welfare kits: 188 (P5,250)
Covid-19 vaccination: 0
Health IEC:
– 0-5 y.o.: 42 (M-20; F-22)
– 6-10 y.o.: 19 (M-10; F-9)
– 11-19 y.o.: 44 (M-32 F-12)
– 20-49 y.o.: 66(M-22; F-44)
– 50 & older: 47 (M-15; F-32)
– Pregnant: 19
Food for KSB (Events Team with GSO): 150 (P5,000)