Mga Libreng Serbisyo ng Munisipyo, Pinilahan sa Sapang

Bata man o matatanda, babae o lalaki, nagsama-sama ang mga taga-Brgy. Sapang, Duera, at Banaban upang dumalo sa Komprehensibong Serbisyo sa Bayan Year 6 na ginanap sa Sapang Elementary School ngayong aaw, August 25, 2023.

Ipinakita ng mga residente ng Brgy. Sapang, Duera at Banaban ang pagsuporta

Ang buong pangkat ng KSB Y6 ay sinalubong nina Barangay Kagawad Joy Macaraeg at Sapang ES OIC Leah Baratang kasama ang mga guro, BHWs, CVOs at iba pang mga kagawad.

Sa maikling programa ay personal na nangamusta sina Coun. Philip Dumalanta at Coun. Martin Terrado II sa mga residente.

Sa AVP message naman ni Mayor Niña Jose-Quaimbao, kanyang binanggit na ang ibig sabihin ng “Total Quality Service” ay “walang pinipiling tao, estado, at pinag-aralan ang pagsisilbi ng pamahalaang lokal dahil lahat ang lahat ay pantay-pantay at sabay-sabay sa pag-asenso.”

Ang lahat ng departamento ay naghatid ng kanya-kanyang serbisyo, mula assessment services ng Assessor’s Office hanggang zoning advice mula sa Municipal Planning and Development Office.

Ang BPSO, PNP, MDRRMO, at BFP ay nanguna naman sa aspeto ng seguridad para sa aktibidad.