Sa ilalim at bisa ng Expanded Centenarians Act, 41 na kwalipikadong senior citizen sa Bayambang na may edad 80, 85, 90, at 95 ang pinagkalooban ng tig-P10,000 na cash gift mula sa National Commission of Senior Citizens (NCSC).
Ginanap ang pamamahagi ng nasabing cash grant ngayong araw, ika-15 ng Oktubre, 2025, sa Balon Bayambang Events Center, sa pakikipagtulungan ng NCSC sa Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) at Office of Senior Citizen Affairs (OSCA). (KB/RSO; JMB)






