Mga Kumpiskadong Paninda, Idinonate sa Provincial Jail

Sa pamamagitan ng ESWMO, idinonate ng Road Clearing Task Force sa Pangasinan Provincial Jail, Lingayen, noong August 21, 2024, ang mga nakumpiskang panindang gulay, spices, at condiments mula sa mga illegal vendors sa Brgy. Nalsian Sur.

Ang confiscated goods ay nagmula sa isinagawang road clearing operation noong August 16, 2024 sa stalls na itinayo ng walang permisno sa gilid ng highway.

Ang donasyon ng kumpiskadong paninda ay alinsunod sa Municipal Ordinance No. 4, s. 2021 o “Anti-Road Obstructions Ordinance of the Municipality of Bayambang.” (RSO; ESWMO)