Dumalo simula Hulyo 29, 2026, ang mga miyembro ng Sangguniang Bayan ng Bayambang sa 2nd Quarterly Continuing Local Legislative Education Program (CLLEP) ng Philippine Councilors League (PCL) na ginaganap sa Iloilo Convention Center, Iloilo City.
Ang pambansang pagtitipon ay may layuning higit pang palakasin ang kakayahan ng mga lokal na mambabatas sa pagbuo ng mga makabuluhang batas at polisiya para sa mas mahusay na pamamahala at paghahatid ng serbisyo publiko.
Kabilang sa mga attendees sina Councilor Jocelyn Santos, Councilor Zerex Terrado, Councilor Levinson Nessus Uy, Councilor Rhyan de Vera, Councilor Raymund Camacho, Liga ng mga Barangay OIC President Rodelito Bautista, at Sangguniang Kabataan Federation President John Roy Jalac.
Tampok sa CLLEP ngayong taon ang temang “Localizing Resilience: Legislative Interventions in Energy, Food Security, and Public Service amid Global Economic Disruptions,” na nakatuon sa papel ng mga lokal na konseho sa pagtugon sa mga hamong dulot ng pandaigdigang pagbabago sa ekonomiya. Kabilang sa mga pangunahing paksa ng talakayan ang Urban Carbon Sinks and Integral Ecology Ecosystems, Off-Grid Resiliency and Emergency Continuity Funding, Fiscal Harmonization for Green Public Infrastructure, at Decentralized Water Security and Stormwater Management, na pawang naglalayong palakasin ang katatagan ng mga lokal na pamahalaan laban sa mga krisis at pagbabago sa kapaligiran.
Sa pamamagitan ng kanilang paglahok sa tatlong araw na programa, inaasahang higit pang mapauunlad ng mga konsehal ng Bayambang ang kanilang kaalaman sa paggawa ng mga makabago at napapanahong ordinansa, habang naibabahagi rin ang mga pinakamahusay na praktis sa lokal na lehislatura upang higit na mapabuti ang serbisyo para sa bawat Bayambangueño. (RSO; photos: Municipal Councilors)








