Sa pangunguna ng Municipal Administrator’s Office, matagumpay na isinagawa ang Civil Society Organization (CSO) Conference sa Balon Bayambang Events Center bilang bahagi ng proseso ng reaccreditation para sa representasyon sa local special bodies (LSBs) ng Pamahalaang Lokal ng Bayambang, noong Hulyo 21, 2025.
Dinaluhan ang nasabing aktibidad ng iba’t ibang kinatawan mula sa mga people’s organizations (POs), non-government organizations (NGOs), civil society organizations (CSOs), at iba pang kahalintulad na samahan na nagnanais maging bahagi ng mga local special body gaya ng Local Development Council, Local Health Board, at iba pa.
“There will be no real progress, no real development, kapag hindi napapakinggan ang lahat ng boses sa lahat ng sektor. Walang development kung may naiiwang sektor,” ani Municipal Administrator at CSO Desk Officer, Atty. Rodelynn Rajini Sagarino-Vidad.
Naging tagapagsalita sina Municipal Local Government Operations Officer Editha Soriano, Sangguniang Bayan Secretary Joel Camacho, at Municipal Planning and Development OIC Ma-Lene Torio.
Layunin ng naturang panuntunan na tiyakin ang malawak at makabuluhang partisipasyon ng mga sektor sa lokal na pamahalaan, lalo na sa mga usaping may kinalaman sa pag-unlad ng komunidad.
Ang mga kwalipikadong organisasyong nakadalo sa CSO Conference ay inaasahang magsusumite ng kanilang mga kaukulang dokumento bilang bahagi ng aplikasyon para sa reaccreditation. (Wrensly Mercado Calimlim/RSO; AG, Zeejie Torres)






