Mga Kawani ng LGU, Patuloy na Nagpapakita ng Katapatan

Isang cell phone ang napulot ng traffic enforcer na si John Lester Mesde sa tapat ng Bayambang National High School.

Matapos ang mabilis na pagtukoy, napag-alamang ang may-ari nito ay si King Justine Ragos, Grade 9 student ng Bayambang National High School at residente ng Brgy. Tatarac.

Dahil sa maagap na aksyon at katapatan ni T.E. Mesde, agad na naibalik sa tamang may-ari ang naturang cell phone.

Kahapon naman, Setyembre 15, 2025, nakapulot din ng isang cell phone ang staff ng Special Economic Enterprise (SEE) na si Reynalds Cayabyab.

Salamat sa lahat ng nag-share so social media ng anunsyo mula sa SEE, agad ding nakontak ang may-ari at naibalik sa kanya ang nawalang gamit. (Mark Andrei de Luna/WMC/RSO; BPSO, SEE)