Bukod sa lahat ng estudyante sa pampublikong paaralan, namahagi rin si Mayor Niña Jose-Quiambao ng mga hard hat na may kabuuang 965 piraso sa lahat ng kawani ng Munisipyo, sa tulong ng MDRRMO at HRMO.
Ang mga ito ay may kasamang mini-flashlight na isa ring silbato at ballpen at magagamit din bilang emergency kit.
Ito ay bilang paghahanda at proteksyon para sa lahat ng kawani sa mga posibleng insidente ng mga di inaasahang sakuna at upang mapanatili ang kaligtasan ng iba’t ibang sektor ng pamayanan. (text: Trixie Noreen Quidon/RSO; photos: Ralph Jian Samson, AG)





