Mga Kawani at Kagamitan ng Munisipyo, Ipinahiram sa CENPELCO para sa Agarang Panunumbalik ng Kuryente Matapos ang Bagyong ‘Uwan’

Mula pa noong unang araw ng pananalasa ng bagyong ‘Uwan,’ agad na kumilos ang pamahalaang lokal ng Bayambang, sa pamumuno ni Mayor Nina Jose-Quiambao, upang tulungang agad na maibalik ang suplay ng kuryente sa mga barangay.

Nagkusa ang LGU na ipahiram ang mga kawani at kagamitan ng munisipyo, katuwang ang Bureau of Fire Protection (BFP), sa mga clearing at safety operations sa mga lugar na naapektuhan ng pagbagsak ng mga puno sa mga linya ng kuryente ng CENPELCO.

Ito ay dahil na rin sa hindi sapat ang personnel ng naturang local electricity provider upang sabay-sabay na aksiyunan ang dami at lawak ng mga apektadong lugar.

Patuloy ang koordinasyon ng tatlong ahensya upang masiguro ang mabilis na pagpapanumbalik ng kuryente at kaligtasan ng mga Bayambangueño. (RSO; MDRRMO)