Pinulong ang mga Punong Barangay ukol sa kung papaano ilalabas ang kanilang calamity fund at Quick Response Fund, bunsod ng pagkakadeklara ng State of Calamity ni Mayor Niña Jose-Quiambao.
Isinagawa ang pulong sa Pinoy Workers Center Building, ang dating BFP Station sa bandang Campo o Zone VI.
Binigyang linaw din sa pulong ang ukol sa isyu ng ayuda mula sa MSWDO at pati na rin ang ukol sa replacement project ng MDRRMO para sa mga mayroong generator na.
Dumalo sa pulong ang mga PB ng mga apektadong barangay kasama sina SATOM Cezar T. Quiambao, Board Member Raul Sabangan, OIC-Liga ng mga Barangay Vice-President Rodelito Bautista, Municipal Accountant Flexner de Vera, Mary Rose Aquino ng Accounting Office, Rosa Martinez ng Barangay Accounting Office, Rosbelle Magno bilang representante ng MSWDO, at Annika Rose Malicdem na representante ng MDRRMO. (RSO; Eduardo Ramos)




