Mga Kapitan ng mga Urban Barangay, Pinulong ukol sa Kanilang Compliance sa Solid Waste Management Program

Noong Nobyembre 19, pinulong ni MENRO Ma-Lene S. Torio ang mga urban barangay officials hinggil sa Solid Waste Management System ng mga barangay sa 3F MSWDO Conference Room.

Dumalo sa pulong ang mga Punong Barangay, Barangay Secretary at SBM Committee Chair, mga kinatawan mula sa 11 urban barangays, at iba pang opisyal ng lokal na pamahalaan kabilang sina Councilor Rhyan de Vera, Councilor Rodelito Bautista, Task Force Disiplina Deputy Officer Amory Junio, at Municipal Health Officer, Dr. Paz Vallo.

Dumalo sa pulong si Municipal Administrator, Atty. Rodelynn Rajini S. Vidad, upang magbigay ng inspirasyunal na mensahe sa ngalan ni Mayor Niña Jose-Quiambao.

Tinalakay sa pagpupulong ang mga mandatoryong alituntunin sa ilalim ng Republic Act 9003 at Local Government Code of 1991, partikular ang pagpapatupad ng maayos na pamamahala ng basura sa bawat barangay.

Kabilang sa mga pangunahing paksa ang:

1. Statutory duties ng Barangay Council sa wastong pamamahala ng biodegradable at recyclable waste

2. Pagsasaayos ng schedule ng koleksyon ng basura

3. Pagsusuri sa operasyon ng Barangay Materials Recovery Facility (MRF) at compost pit

4. Pagpapatatag ng residual waste drop-off points sa mga barangay

5. Pagkilala at pagtatalaga ng Basura Patroller

6. Pagsubaybay sa barangay waste diversion initiatives

7. Pagsusumite ng accomplishment reports bilang patunay ng pagsunod at pagganap

Binanggit sa pulong na ang aktibong pagdalo ng mga opisyal ay sumasalamin sa kanilang pangako sa transparency, accountability, at epektibong serbisyo publiko. Binigyang-diin din na mahalaga ang koordinasyon ng bawat barangay upang maging mas maayos at episyente ang pagpapatupad ng Solid Waste Management Program ng bayan ng Bayambang. (RSO; ESWMO)