Mga Kapitan at GAD Focal Person, Nag-workshop sa Gender Sensitivity

Sa layuning palakasin ang responsableng pamahalaan, isinagawa ang Planning Workshop para sa Gender Responsive Barangay sa pagtutulungan ng DILG at DSWD/MSWDO noong ika-11 ng Disyembre hanggang Disyembre 12, sa Pavilion I ng Saint Vincent Ferrer Prayer Park.

Ang mga kalahok sa workshop ay kinabibilangan ng mga Punong Barangay at kanilang GAD Focal Person.

Ang workshop na ito ay naglalaman ng mga lektyur ukol sa mga sumusunod:

– Magna Carta of Women

– Salient Features of Joint Memorandum Circular

– Introduction to GAD

– Gender Analysis

– Barangay Council for Protection of Children (BCPC) and Senior Citizen-PWD Plan

– GAD Planning and Budgeting

Pagkatapos nito ay nagkaroon ng Presentation and Critiquing of Workshop Outputs.

Ang workshop ay naglalayong higit pang mapalalim ang pang-unawa ng mga patakaran at plano na naglalayong makamtan ang isang gender-responsive na barangay at pagsulong ng pantay-pantay na karapatan at kaunlaran sa bawat miyembro ng komunidad.

(by Khim Ambrie L. Ballesteros/RSO; Photos: JMB)