Matagumpay na nagtapos ang ikalawang batch ng Summer Dance Class noong Hunyo 1, 2026, kung saan ipinamalas ng mga kalahok ang kanilang husay at talento sa hip-hop dance.
Sa kanilang pagtatanghal, buong husay na ipinamalas ng mga kalahok ang mga sayaw na kanilang natutunan sa pagsasanay. Kitang-kita sa kanilang performance ang kanilang dedikasyon at disiplina sa larangan ng pagsayaw sa naturang genre.
Matapos ang kanilang performance, iginawad sa mga kalahok ang kanilang mga Certificate of Completion bilang pagkilala sa kanilang pagsisikap at matagumpay na pagtatapos ng programa.
Binigyang-pagkilala rin si Coach John Jeremy Ong para sa kanyang mahalagang ambag at dedikasyon sa pagtuturo at paggabay sa mga kalahok ng hip-hop dance class. (MADL/RSO; RobC: first photos; AG)








