Noong August 25, nag-organisa ang Local Youth Development Office ng isang forum para sa mga kabataang agripreneur bilang parte pa rin ng pagdiriwang ng Linggo ng Kabataan at International Youth Day, at ito ay ginanap sa Balon Bayambang Events Center at may temang, “Upskilling Youth in Agriculture.”
May 50 na mga anak ng local farmers ang lumahok sa forum.
Pambungad na mensahe ni Mr. Mark Espino, representante ni Municipal Administrator, Atty. Rodelynn Rajini S. Vidad, “You are the future leaders of Bayambang; you are the future feeders of Bayambang.”
Naging resource speaker si Ms. Rhoda Galban, isang Senior Agriculturist ng AMAD-DA Regional Office, na siyang nagpaliwanag ukol sa Young Farmers Challenge Program ng kanyang ahensya Ito aniya ay isang programang nanghihikayat ng bawat kabataan na makilahok sa pagtatatag ng isang business enterprise na nauugnay sa agrifishery.
Sa mensahe ni Mayor Niña Jose-Quiambao sa pamamagitan ng isang video message, hinikayat niya ang mga kabataan na seryosong pasukin ang farming business bilang alternatibong propesyon.
Naroon din si SK Federation President Gabriel Tristan Fernandez upang magpahayag ng suporta sa aktibidad.
Bilang pangalawang resource speaker, ipinaliwanag ni Dr. Rogelio Evangelista, Center Director ng Agriculture Training Institute (ATI), ang ukol sa ATI Services for Youth in Agriculture. Iprinisenta rin niya ang ukol sa educational assistance o scholarship para sa mga kabataang nais makapag-aral sa kursong nauugnay sa agrikultura.
Bilang panghuli, hinikayat naman ang mga kabataan ni Mr. Mergene Ferrer, may-ari ng Kahit Munti Integrated Farm at isang regional awardee at national qualifier sa Young Farmers Challenge Program, ukol sa halaga ang pagkakaroon ng isang negosyo bilang isang magsasaka.