Bilang bahagi ng patuloy na pagsusumikap ng LGU-Bayambang na mapataas ang antas ng serbisyong pampubliko para sa bawat Bayambangueño, aktibong lumahok ang mga Internal Quality Auditor (IQA) sa isang online Audit Enhancement Training noong Hunyo 16, 2025.
Sa naturang pagsasanay, tinalakay ang mahahalagang prinsipyo ng internal audit, pati na rin ang mga katangiang personalidad at etikal na pamantayan na nararapat taglayin ng isang auditor. Nagkaroon din ng isang workshop na nakatuon sa pagsagot ng mga case study—isang makabuluhang aktibidad na naglalayong hasain pa ang kanilang galing sa pagsusuri at pagbuo ng audit findings.
Ito ay isa lamang sa mas marami pang inisyatiba para sa pagpapalawak ng kaalaman at kahusayan ng mga kawani bilang bahagi ng IQA team.
(Shin G.;IQA team)