Sa agarang paghiling ni Mayor Niña Jose-Quiambao sa provincial government, sa pamamagitan ni Gov. Ramon Guico III, naisaayos na ang ilan sa mga inerereklamong provincial roads, gaya ng Brgy. Wawa-Brgy. Dusoc Road at Brgy. Pangdel Road na dati ay may mga butas at baku-bakong bahagi.
Brgy. Wawa to Dusoc:
Dimension = 854.0 meters (length) x 5.0 meters (width)
Brgy. Pangdel Rd.:
Dimension = 950.0 meters (length) x 5.0 meters (width)
Kaugnay nito, inutusan ni Mayor Niña ang Municipal Engineering Office sa ilalim ni Engr. Bernadette Mangande na magsumite ng isang komprehensibong ulat ukol sa estado ng mga daan sa bayan ng Bayambang, kabilang na ang lahat ng provincial roads na nasasakupan nito.
Pinagagawa na rin ang scope of work at detailed engineering design ang mga ito upang agad na mahanapan ng pondo at magawa na sa lalong madaling panahon.
(Tingnan ang mga BEFORE and AFTER geotagged photos ng asphalt overlaying activities na kasalukyang isinasagawa sa mga naturang daan.) (RSO; MEO)