Mga Indigent Senior Citizen, Tumanggap ng 1Q Social Pension

Sa pagtutulungan ng Treasury Office at MSWDO, maayos na tumanggap ng kani-kanilang social pension ang may 3,174 na indigent senior citizens para sa 1st quarter noong April 28 at 29.

Ang payout activity ay ginanap sa 77 barangays sa magkahiwalay na araw upang hindi na bumiyahe pa ang mga senior citizen sa sentro ng bayan. (RSO; MTO, MAO)