Mga Findings ng DENR-EMB R1 Monitoring & Validation, Iprinisenta sa Exit Interview

Sa isang exit interview, inihayag ng DENR-EMB R1 ang mga resulta ng kanilang ginawang Initial 10-Year Plan Monitoring ngayong araw, Agosto 4, sa Mayor’s Conference Room.

Mula sa inisyal na findings para sa Munisipyo, “ang pinakamaganda sa mga best practices ng Bayambang ay itong Bali-Balin Bayambang,” pahayag ng mga validators na sina Engr. Eroll Rayden Gan at Blossom May Renion.

Napuri rin ang maayos na recordkeeping system ng LGU, at ang sistema sa pagkokolekta ng basura, anila, ay isinasagawa batay sa plano.

Makikita rin sa report ang magandang kasanayan sa pamamahala ng solid waste sa Brgy. Tococ East, Inirangan, at Sancagulis, at maging ang mga kakulangan sa ibang mga barangay ng functional na Barangay MRF at aktibong Barangay Solid Waste Management Committee na siyang sisiguro sa compliance sa RA 9003 sa lebel ng barangay.

Sa kabuuan, ayon sa kanilang review, “The Municipal Government of Bayambang implemented all 10 vital components stipulated in their approved 10-Year Solid Waste Management.” Ang “10 components” na ito ay ang mga sumusunod: 1. Source Reduction; 2. Collection; 3. Segregation, Recycling, and Composting; 4. Market and Market Development; 5. Alternative Tech for Residuals; 6. Solid Waste Final Disposal; 7. Special Waste and Health Care Waste; 8. Monitoring Programs; 9. Financial Aspects; at 10. Waste Diversion.

Ayon sa DENR-EMB R1, ang kanilang mga findings ay magsisilbing gabay ng LGU sa pagpaplano at pagdedesisyon para mas makakalikasan at luntiang bayan ng Bayambang.