Mga Farmers’ President, Pinulong ng Provincial Office

Pinulong ng Provincial Agriculture Office (PAO) ang mga farmers president sa Bayambang upang mapag-usapan ang nakahanay na programa ng pamahalaang panlalawigan kabilang ang Corporate Farming Program at Kadiwa Program.

Ang pulong ay ginanap noong August 18, kasama ang Municipal Agriculture Office at Bayambang Poverty Reduction Action Team, at ginanap sa Pavilion I ng St. Vincent Ferrer Prayer Park.

Dito ay ipinaliwanag na ang Corporate Farming Program ni Governor Ramon ‘Monmon’ Guico III ay isang programa kung saan malalaking korporasyon ang namumuno sa pagpapatakbo ng agrikultura, at may positibong epekto tulad ng modernisasyon at mataas na produksyon.

Tinalakay rin ang Kadiwa Program ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na naglalayong mapalapit ang mga produktong agrikultural sa mga mamimili sa mas murang halaga sa pamamagitan ng mga rolling Kadiwa stores.

Sa susunod na Biyernes, August 25, 2023, nakatakdang dumako ang Kadiwa on Wheels sa harap ng Balon Bayambang Events Center.