Mga Farmers’ President, Inorient ukol sa RSBSA

Ang mga Farmers’ Association President ay pinulong ng Municipal Agriculture Office upang mapaliwanagan ang mga ito tungkol sa kanilang mga maling akala ukol sa RSBSA o Registry System for Basic Sectors in Agriculture, noong March 14, 2024, sa Events Center.

Naging resource speaker si James Stephen de Leon, RSBSA Pangasinan Provincial Administrator, mula sa DA-RFO1.

Sa talakayan, itinuwid ni G. De Leon ang mga maling kaalaman ukol sa kwalipikasyon, requirements, at iba pang isyu patungkol sa RSBSA.

Ito ay sa hangarin ng LGU-Bayambang na linisin ang listahan ng mga benepisyaryo ng iba’t ibang ayudang pang-agrikultural upang masiguro na ang mga benepisyaryo ay tanging mga tunay na magsasaka lamang.