Nagsipagtapos ang 22 farmer-cooperators na taga-Bayambang, kasama ang iba pang farmer-cooperators mula sa iba pang bayan ng Pangasinan, na naging benepisyaryo ng Corporate Farming Program ng provincial government, noong ika-7 ng Marso 2024, sa Pavilion I ng St. Vincent Ferrer Prayer Park.
Bago ang seremonya ay nauna nang nagkaroon ng field day kung saan ipinakita ng mga magsasaka ang kanilang natutunan sa paggamit ng mga bagong teknolohiya sa pagsasaka gamit ang combine harvester.
Ang Pangasinan Corporate Farming Project ang pangunahing programa sa sektor ng agri-fishery sa pamumuno ni Gobernador Ramon V. Guico III upang tulungang maitaas ang kalagayang pang-ekonomiya ng bawat Pangasinense.
Ang mga nagsipagtapos ay binati nina Mayor Niña Jose-Quiambao, Vice Governor Mark Ronald Lambino, Vice Mayor IC Sabangan, Provincial Agriculturist Dalisay Moya, ang representante ni Regional Executive Director ng DA-RFO1, Dr. Annie Q. Bares, na si Ms. Anne Lovelle Dato at OIC-Liga ng mga Barangay President Rodelito Bautista.
Sa tulong ng Pangasinan Corporate Farming Project, umaasang mas marami pang lugar sa probinsya ang mabibiyayaan ng pag-unlad sa larangan ng pagsasaka gamit ang makabagong kaalaman at teknolohiya. (ni Khim Ambrie L. Ballesteros/RSO; larawan: JMB)