Ngayong araw, May 20, 2024, ang mga ipinisarang stall na may delinquent record sa rental payment sa Public Market ay ininspeksyon ng Special Economic Enterprise, Accounting Office, Internal Audit Unit, Engineering Office, at General Services Office.
Ito ay isang hakbang ng lokal na pamahalaan upang malaman kung ang mga nabakanteng stall ay maaaring magbukas muli ng oportunidad para sa mga negosyante na nagnanais na makakuha ng puwesto sa pamilihang bayan.
Ayon sa SEE, mayroong anim na stall sa dry goods section at apat na stall sa meat section ang inispeksyon ng team. (nina Daryl M. Mangaliag, Vernaliza M. Ferrer/RSO; larawan: Ace Gloria)