Ang mga miyembro ng Federation of Civil Society Organizations of Bayambang (FCSOB) sa ilalim ni President Jonathan de Vera at iba pang grupo ay nagsama-sama upang magtulung-tulong sa isang clean-up drive noong March 2, 2024, sa iba’t ibang barangay, sa pakikipag-tulungan sa ESWMO.
Kabilang sa mga naging participant ang United Fraternity Alliance, Agriculture and Fishery Council of Bayambang, KALIPI, Cluster Organization of Bayambang District 4 Inc., Bayambang Bayanihan Lions Club Inc., Xtreme Riders Club, Bayambang BSPO Association, Confederation of Ilocano Associations Inc., Consejo de Bayambang, Triskelion de Bayambang Council, United Ilocandia Fraternity/Sorority, Community Investigative Group, at Municipal Association of NGOs (MANGOs).
Kasama rin sa aktibidad ang PNP-Bayambang, at may espesyal na partisipasyon naman si Vice Mayor IC Sabangan.