Ang mga accredited civil society organization (CSO) ng bayan ng Bayambang ay nagpulong para sa re-election ng mga CSO officer at pag-update ng kanilang CSO Action Plan para sa darating na taon.
Ang pagpupulong ay ginanap ngayong araw, Disyembre 12, 2025 sa Balon Bayambang Events Center, sa pangunguna ng Tanggapan ng Municipal Administrator.
Layunin ng pagtitipon na palakasin pa ang partisipasyon ng CSOs sa lokal na pamahalaan at tiyaking ang kanilang mga programa at inisyatiba ay nakahanay sa Bayambang Poverty Reduction Plan (BPRP). Sa pamamagitan nito, mas natutugunan ang tunay na pangangailangan ng iba’t ibang sektor at komunidad sa bayan.
Pinuri ni Municipal Administrator, Atty. Rodelynn Rajini Sagarino-Vidad, ang aktibong pakikilahok ng mga kinatawan ng mga CSO at binigyang-diin ang kahalagahan ng kanilang ambag sa pagpapatupad ng mga programang pangkaunlaran. Aniya, ang patuloy na pakikipagtulungan ng mga CSO ay susi sa paghubog ng “mas empowered, engaged, at collaborative na sektor” sa Bayambang.
Nagtapos ang pulong sa muling pagtitiyak ng bawat kinatawan na ipagpapatuloy nila ang kanilang suporta sa mga adbokasiyang magtataguyod ng mas inklusibo at progresibong pamayanan.
Narito ng mga halal na bagong opisyal ng CSO Federation of Bayambang:
– President: Juanita Sumaya
– Vice-President: Ilarde Aggabao
– Secretary: Analiza Ballesteros
– Treasurer: Melinda Gloria
– Auditors: Manuel Chua, James de Guzman
– PIOs: Estherly Friaz, Virgilio de Vera
– Business Managers Rodel Bato, Judith dela Cruz
(RSO; FLAS)










