Mga Classroom ng Don Teofilo C. Mataban Memorial ES, Nilagyan ng Grills

Ang lahat ng pintuan at bintana ng Don Teofilo C. Mataban Memorial Elementary School sa Brgy. Ligue ay pinalagyan ng mga bakal na grills ni Mayor Nina Jose-Quiambao, sa pamamagitan ng Local School Board, matapos ang insidente ng panloloob at pagnanakaw sa pasilidad.

Ang mga nabasag na jalousie panels naman sa mga bintana ay nakatakda namang palitan ng supplier na si G. Armando Calimlim.

Ang mga iron grills ay nagkakahalaga ng P83,000, at ang pinambili ay nagmula sa Special Education Fund. (RSO; LSB)