Noong buwan ng Agosto, ipinagdiwang ng mga Child Development Center (o ECCD Center) ng Bayambang ang Buwan ng Wika, bilang isa sa mga naka-schedule na aktibidades.
Suot ang mga katutubong kasuotan, ang mga learners ay kumanta at sumayaw ng mga kantang Pilipino, nagpakilala gamit ang salitang Tagalog o Filipino, at naglaro ng mga larong Pilipino.
Pinangunahan ang naturang pagdiriwang ng mga Child Development Worker at mga magulang ng CDC learners. (MJPB/RSO; MSWDO)