Pinangunahan ni Mayor Niña Jose-Quiambao ang pamamahagi ng mga Brigada Eskwela package sa mga pampublikong paaralan sa elementarya at sekondarya sa bayan sa Balon Bayambang Events Center ngayong araw, ika-20 ng Abril 2026, bilang suporta sa paghahanda ng mga paaralan para sa nalalapit na pagbubukas ng klase sa Taong Panuruan 2026-2027.
Kabilang sa mga ipinagmahagi ay mga kagamitang para sa paglilinis, pagkukumpuni, at pagsasaayos ng mga pasilidad ng paaralan.
Ang kabuuang halaga ng mga ipinamahaging kagamitan ay umabot sa P795,570.00 na nagmula sa Special Education Fund—kung saan inilalaan din nina Mayor Niña at dating Mayor Dr. Cezar Quiambao ang kanilang taunang sahod bilang donasyon. (KBP/RSO; RobC: first 3 photos, AG)



