Bilang pakikiisa sa pagsisimula ng Brigada Eskwela ngayong Hunyo 1, 2026, namahagi ang LGU Bayambang ng mga Brigada Eskwela Package sa mga pampublikong paaralan sa elementarya at sekondarya sa bayan.
Pinangunahan ni Mayor Niña Jose-Quiambao ang pamamahagi ng mga kagamitan na magagamit sa paglilinis, pagkukumpuni, at pagsasaayos ng mga pasilidad ng paaralan.
Ito ay para matiyak na magiging ligtas, malinis, at maayos ang kapaligiran ng mga paaralan para sa mga mag-aaral at guro sa pagsisimula ng panibagong school year. (KBP/RSO)



