Mga BPSO Staff, Nakatanggap ng Komendasyon mula sa Malacañang Hotline

Noong August 18, nakatanggap ng commendation ang tatlong staff ng Bayambang Public Safety Office mula sa isang concerned citizen sa pamamagitan ng 8888 Citizens’ Complaint Hotline ng Malacañang. Ayon kay Teegee A. Gallardo ng Sitio Beldet, Brgy. Tamaro, Bayambang, naging kahanga-hanga ang ipinamalas na serbisyo ng BPSO emergency responders na sina Ruby Diaz, John Rey Solomon, at MJ Pilaspilas matapos silang hingan ng tulong ni Gallardo.

Isa lamang ito sa mga natatanggap na papuri at pasasalamat ng ating mga emergency services personnel hindi lamang ng BPSO kundi maging pati ng MDRRMO, mga RHU, at ng buong MDRRM Council.