Noong October 18, 2023, pinulong ni ICT Officer Ricky Bulalakaw ang mga 77 Barangay Nutrition Scholar (BNS) sa Balon Bayambang Events Center ukol sa pag-update ng mga datos sa Restructured Community-Based Monitoring System (RCBMS).
Importante aniya na ang tamang datos na makalap sa kabahayan ay naa-update upang maisaayos ang impormasyon ng bawat indibidwal.
Nagpaalala si G. Bulalakaw sa mga BNS na ingatan ang mga impormasyon na kanilang nakokolekta at huwag basta-basta ikakalat kung kani-kanino, alinsunod sa Data Privacy Act o Republic Act 10173. Dinagdag din niya na ang RCBMS ay gagawan ng enhancement upang ang mga data ay maiko-connect sa isang digital map sa pamamagitan ng Geographic Information System (GIS). Sa pamamagitan nito, mas magiging madali at maayos ang pagpaplano ng LGU ng mga proyekto na angkop sa lugar ng mga makikinabang.
Nag-demonstrate si G. Kim Manoguid ng mga bagong feature ng RCBMS, tulad ng pag-record ng mga lumilipat ng barangay, at mga report tulad ng barangay population with age group, gender, at nutrition status.