Ang Local Civil Registry Office, sa pakikipag-ugnayan ng Philippine Statistics Authority (PSA), ay nag-award ng mga birth certificate in security paper para sa mga residente ng Brgy. Sanlibo, Caturay, Inanlorenza, at Idong. Ang awarding ceremony ay ginanap sa Brgy. Sanlibo Covered Court noong November 22, 2023. Ito ay parte ng Free Delayed Registration of Birth o PhilSys Birth Registration Assistance Project.
Ayon kay Bayambang Civil Registrar Ismael Malicdem Jr., dito ay “may 58 na beneficiaries ang nakatanggap ng birth certificate in security paper issued by PSA na libre para hindi na sila gumastos at pumila pa sa PSA Calasiao.”
Naroon din sa seremonya sina Vice-Mayor Ian Camille Sabangan, PSA-RSSO-I Senior Statistical Specialist Arturo S. de Sola, PSA-Calasiao Administrative Clerk Gessiele C. Soriano, Sanlibo PB Luzviminda V. Tamondong, at Idong PB Romeo Andalis.