May 686 na Barangay Health Workers (BHW) ang tumanggap ng ayudang AKAP ng DSWD o Ayuda sa Kapos ang Kita Program na nagkakahalaga ng P2,000 bawat isa, sa tulong ng provincial government, ngayong araw, October 10,2025.
Ginanap ang payout sa Barangay Alinggan Covered Court sa tulong ng MSWDO, sa presensiya ng mga provincial officials, sa pangunguna ni Gov. Ramon Guico III, Vice-Gov. Ronald Lambino, BM Raul Sabangan, at Vice-Mayor IC Sabangan, at municipal officials kabilang si Vice-Mayor IC Sabangan, sa ngalan ni Mayor Niña Jose-Quiambao. (RSO; AG)













