Sa huling quarter ng taong 2023, muling nakiisa ang bayan ng Bayambang sa National Simultaneous Earthquake Drill (NSED). Ito ay ginanap noong November 9, kung saan muling kabilang ang mga kawani ng munisipyo, lahat ng public at private elementary at high school, lahat ng opisyales ng 77 na barangay, at lahat ng daycare centers.
Makalipas ang isang oras matapos ang drill, may naitalang 22,859 na inisyal na bilang ng nakilahok sa nasabing aktibidad.
Ang earthquake drill ay inorganisa ng Municipal Disaster Risk Reduction Management Office, katulong ang Philippine National Police at Bureau of Fire Protection, base sa Implementing Rules and Regulations na nakabatay sa R.A. 10121, na naglalayong maiwasan ang pag-panic ng publiko at maging listo sa oras ng hindi inaasahang pagyanig.