Sa unang pagkakataon, lumahok ang lahat ng miyembro ng mga Sangguniang Barangay at ilang Punong Barangay ng Bayambang sa isang team-building activity at capability development training na ginanap sa isang beach resort sa Bolinao, Pangasinan nitong Agosto 19-20.
Masayang nagbonding ang lahat sa mga aktibidad na inorganisa ng Samahan ng mga Barangay Kagawad sa Balon Bayambang, Pangasinan, Inc. (SBKBBPI), sa pangunguna ni SBKBBPI President Analiza Ballesteros.
Naging resource speaker si Municipal Local Government Operations Officer Editha Soriano at inimbitahan din bilang special guests sina Councilor Jocelyn Espejo at Councilor Rhyan de Vera. (RSO; SBKBBPI)






