Mga Barangay Frontliner, Nakinig sa Oryentasyon hinggil sa Citizen’s Charter Handbook

Upang palalimin ang pang-unawa at kaalaman ng mga tagapaghatid ng serbisyong pampubliko sa barangay, matagumpay na isinagawa ngayong araw, ika-14 ng Mayo 2025, ang Orientation on the Citizen’s Charter Handbook sa Pavilion I ng Saint Vincent Ferrer Prayer Park.

And aktibidad ay inorganisa ng Municipal Local Government Operations Office, sa tulong ng Bayambang Poverty Reduction Action Team (BPRAT), at dinaluhan ng mga Barangay Secretary at mga ARTA Focal Person mula sa iba’t ibang barangay sa bayan ng Bayambang.

Layon ng aktibidad na ito na tiyakin ang mas malalim na pag-unawa sa nilalaman, layunin, at tamang implementasyon ng Citizens’ Charter Handbook sa bawat barangay, alinsunod sa mandato ng Anti-Red Tape Act (ARTA) na nagsusulong ng transparency, accountability, at dekalidad na serbisyo publiko.

Binigyang-diin sa orientation ang kahalagahan ng maayos na paggamit ng handbook, ang tamang proseso ng frontline services, at ang pagpapanatiling updated at madaling ma-access na impormasyon para sa publiko.

Inaasahang makatutulong ang oryentasyong ito sa pagpapaigting ng kampanya laban sa red tape at sa pagtitiyak ng mas episyente, tapat, at dekalidad na pamamahala sa antas ng barangay. (KB/RSO; BPRAT)

#TeamQuiambao-Sabangan

#TotalQualityService

#NiñaAroTaka