Sampung Bayambangueño ang tumanggap ng bagong wheelchair mula sa Persons with Disability Affairs Office (PDAO) ngayong araw, ika-5 ng Mayo 2025, sa Balon Bayambang Events Center.
Sa pamamagitan ng pondo mula sa PDAO at Senior Citizens’ Fund, matagumpay na naipamahagi ang mga assistive devices sa mga kwalipikadong benepisyaryo.
Patuloy na hinihikayat ng PDAO ang mga nais mag-request ng assistive devices gaya ng adult wheelchair, quad cane, cane, at adult walker na bumisita lamang sa kanilang tanggapan sa Municipal Hall upang maisailalim sa kaukulang proseso ng assessment at pag-apruba.
Ang pamamahaging ito ay bahagi ng adhikain ng lokal na pamahalaan na matulungan at mapagaan ang buhay ng mga sektor na higit na nangangailangan. (KB/RSO; AG)
#TeamQuiambao-Sabangan
#TotalQualityService
#NiñaAroTaka