Muling pinagkalooban ng mga wheelchair ang ilang Persons with Disability (PWD) sa bayan ng Bayambang sa pamamagitan ng pagtutulungan ng Persons with Disability Affairs Office (PDAO) gamit ang pondo mula sa PWD Fund. Isinagawa ang pamamahagi noong Pebrero 9, 2026 sa Balon Bayambang Events Center.
Kabilang sa mga adult wheelchair na ini-award at isang cerebral palsy wheelchair.
Ang naturang aktibidad ay pinangunahan nina PDAO Johnson Abalos at MSWD Officer Kimberly Basco, bilang bahagi ng patuloy na pagsisikap ng lokal na pamahalaan na mapabuti ang kalagayan at kalidad ng pamumuhay ng mga sektor na nangangailangan ng espesyal na atensyon.
Kabilang sa mga benepisyaryong tumanggap ng wheelchair sina Eduardo Rubio, Efren Tuatis, Emailyn Iling, Elpidio Lasquite, at Placida Paglingayen.
Ang programang ito ay patunay ng malasakit ng pamahalaang lokal sa kapakanan ng mga PWD, na naglalayong mabigyan sila ng mas maayos na mobilidad, kalayaan sa paggalaw, at mas maginhawang pamumuhay sa kanilang pang-araw-araw na gawain. (John Loyd Tamondong/RSO; RobC, PDAO)


