Ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) at Municipal Social Welfare and Development Office ay nagsagawa ng isang workshop ukol sa Strategic Marketing and Inventory Management para sa mga kasalukuyan at bagong tatag na Sustainable Livelihood Program Associations sa Bayambang noong ika-1 ng Disyembre 2924, sa Balon Bayambang Events Center.
Ang workshop ay pinangunahan ni DSWD R1 Capacity-Building Project Development Officer Raymond Jay P. Capito at DSWD SLP PDO ng Bayambang, Laarni A. Cabatbat.
May 64 SLP members mula sa iba’t ibang barangay ang dumalo sa nasabing aktibidad.
Ang nasabing workshop ay malaking tulong sa pagnenegosyo ng mga SLP associations, lalo na ang pagpapabuti ng kanilang kakayahan sa mga aspeto ng pagpaplano, marketing, at pag-imbentaryo. (Angela Suyom/RSO; JMB)