Mga Bagong PRDP Infra Projects, Matagumpay na Naidepensa ng LGU

Matagumpay na naidepensa ng LGU-Bayambang ang dalawang proposed infrastructure projects sa mga opisyal ng Department of Agriculture – Philippine Rural Development Project noong December 18, 2024 sa Kabaleyan Cover Resort, San Carlos City.

Ito ay ang Farm-to-Market Road project na nagkakahalaga ng ₱319.8 million at Cold Storage project na nagkakahalaga ng P246.01 million.

Nanguna sa pagdepensa sa ngalan ni Mayor Niña Jose-Quiambao ang Municipal Project Management and Implementation Unit ng LGU sa pangunguna ni Municipal Administrator, Atty. Rodelynn Rajini S. Vidad.

Ang dalawang proyektong ito ay grant mula sa DA-PRDP at World Bank. (RSO; photos: MPMIU)