Noong Oktubre 7 at 8, 2024, matagumpay na isinagawa ng MDRRMO, sa pangunguna ni LDRRMO Genevieve U. Benebe, ang isang serye ng pagsasanay na kinabibilangan ng One-day Disaster Risk Reduction and Management Training at Incident Command System Executive Course.
Si Mr. Elvis Quitaleg mula sa Office of Civil Defense (OCD) Region 1 ang naging guest speaker, na nagbahagi ng mahahalagang kaalaman at kasanayan upang matiyak ang kahandaan ng mga participants sa mga ‘di inaasahang sakuna.
Sa unang araw ng training, tinalakay ang mga estratehiya at best practices sa disaster risk reduction, na nagbibigay-diin sa kahalagahan ng maagang paghahanda at pagtugon.
Sa ikalawang araw, nagpatuloy ang mga talakayan sa Incident Command System (ICS), kung saan nagbigay si Mr. Quitaleg ng malalim na pang-unawa sa mga prinsipyo at istruktura ng ICS, isang mahalagang sistema sa pamamahala ng mga insidente na pang-emerhensiya.
Kabilang sa mga dumalo ang Liga ng mga Barangay Officers, Sangguniang Kabataan Federation Officers at mga bagong department heads at key staff.
Ang dalawang araw na ito ng pagsasanay ay nagbigay ng mahahalagang kaalaman at kasanayan na makatutulong sa kanilang mga komunidad upang maging mas ligtas at handa sa pagharap sa mga sakuna. (ni Eduardo P. Sison II; larawan nina: EPS, Cris Ever Cloyd de Vera, MDRRMO)