Nanumpa ang mga bagong halal na opisyal ng Civil Society Organization (CSO) Association of Bayambang noong ika-15 ng Disyembre, bilang bahagi ng patuloy na pakikiisa ng mga pribadong organisasyon sa mga programa at inisyatiba ng lokal na pamahalaan.Q
Ang seremonya ay pinangunahan ni Mayor Niña Jose-Quiambao bilang inducting officer, kung saan kanyang binigyang-diin ang mahalagang papel ng mga CSO sa pagsusulong ng mabuting pamamahala at aktibong partisipasyon ng mamamayan.
Sa kanilang pag-assume ng responsibilidad sa kanilang termino ng panunungkulan, inaasahang mas paiigtingin pa ng mga bagong opisyales ang kanilang serbisyo at pakikipagtulungan sa pamahalaang bayan para sa kapakanan ng komunidad.
Narito ng mga halal na bagong opisyal ng CSO Association of Bayambang:
– President: Juanita Sumaya
– Vice-President: Ilarde Aggabao
– Secretary: Analiza Ballesteros
– Treasurer: Melinda Gloria
– Auditors: Manuel Chua, James de Guzman
– PIOs: Estherly Friaz, Virgilio de Vera
– Business Managers Rodel Bato, Judith dela Cruz
(KB/RSO; AG)


