Mga Bagong Opisyal ng OFW Federation of Bayambang, Nanumpa kay Mayor Niña

Opisyal na nanumpa ang mga bagong halal na opisyal ng Overseas Filipino Workers (OFW) Federation of Bayambang sa pangunguna ni Mayor Niña Jose-Quiambao bilang oath officer sa isang seremonya sa Balon Bayambang Events Center ngayong araw, October 6, 2025.

Ang pagkakatatag ng nasabing pederasyon ay isang mahalagang hakbang para palakasin ang suporta sa mga OFW at kanilang pamilya sa bayan, alinsunod sa layunin ng lokal na pamahalaan na isulong ang kanilang kapakanan at mga programa.

Ang mga sumusunod ang mga bagong opisyal ng OFW Federation:

President: Abner M. Cantano

Vice President: Dennis T. Sagad

Secretary: Rosemarie L. Bato

Treasurer: Erlinda C. Macadangdang

Auditor: Jorgelyn Alberto

P.R.O.: Maretess B. del Rosario

Committee on Membership: Jennifer V. Villanda

Committee on Livelihood: Ligaya G. Centino

Committee on Education and Training: Lani T. Sarmiento

Committee on Ways and Means: Edna Evangelista

Committee on Audit: Jorgelyn Alberto

Committee on Finance: Erlinda C. 

Committee on Grievance: Dalife B. Padua

Committee on Election: Josephine R. Garcia

Board of Directors

1. Luis Ambulencia

2. Joselito Rega

3. Shirley DG. Mariano

4. Reben Ocampo

5. Dalife B. Padua

6. Jennifer V. Villanda

7. Ligaya G. Centino

8. Lani T. Sarmiento

9. Edna Evangelista

10. Josephine R. Garcia

Ang OFW Federation of Bayambang ay nakatakdang magbigay ng tulong legal, pangkabuhayan, at pampinansyal na suporta sa mga migrante at kanilang pamilya.

Inaasahang maglulunsad ang bagong pamunuan ng mga proyektong tutugon sa pagsasanay, edukasyon, at mga emergency assistance para sa sektor. (VMF/RSO; AG)