Mga Bagong Empleyado, Binigyan ng Kaalaman Patungkol sa ISO 9001:2015

Sa inisyatiba ng Office of the Mayor, nagsagawa ang Information and Communications Technology Office (ICTO) ng isang briefing seminar hinggil sa International Organization for Standardization (ISO) 9001:2015, upang siguraduhing ang lahat ng new hires ng Munisipyo ay kaisa sa layuning tuluy-tuloy na mapabuti ang serbisyo ng LGU at matiyak ang consistent customer satisfaction nito.

Ibinahagi rito ang mga kongkretong hakbang kung paano mas mapapabuti ang proseso at sistema ng serbisyong pampubliko upang higit na matugunan ang pangangailangan ng mga kliyente.

Ang seminar, na ginanap sa Balon Bayambang Events Center noong June 16, 2025, ay bahagi ng kagustuhan ng Office the Mayor na maitaas ang antas ng kalidad ng serbisyo sa pamamagitan ng pagsunod sa mga pandaigdigang pamantayan ng pamamahala sa kalidad. (RGDS/RSO; JMB)